152 - Ano ang Sabi ng Kasulatan

Ano ang sabi ng Kasulatan?
Dapat nating maalaman,
Turo ng tao'y sinsay kung minsan
Nguni't ang sa Diyos ay tunay!

REFRAIN

Ano ang sabi ng Bibliya?
Ano ang sabi? mag-aral ka!
Sundin ang utos, ang sapung utos
At hintayin ang dating N'ya!

Iilan lamang ang nag-aaral
At nagsasakabuhayan
Sa lahat ng utos ng Maykapal.
Pati nang kapangilinan!

REFRAIN

Ano ang sabi ng Bibliya?
Ano ang sabi? mag-aral ka!
Sundin ang utos, ang sapung utos
At hintayin ang dating N'ya!

Ano ang isusulit mo sa Diyos
Taong sumuway sa utos?
Ikaw baga ay makasasagot:
Ang utos Mo'y sinusunod?

REFRAIN

Ano ang sabi ng Bibliya?
Ano ang sabi? mag-aral ka!
Sundin ang utos, ang sapung utos
At hintayin ang dating N'ya!

0:00 0:00